Monday, November 23, 2015

10 days to go...

Magandang araw po!

10 araw nalang!

Narito po ang mga katangungang natatanggap sa text at messenger.

Maliit lang po ang kasalan namen. Di naman engrande, pangkaraniwang lugar lang; mga piling kaibigan at kamag-anak lang po ang inanyayahan.

Question:
"Sabado ba ang kasal?"

Answer:
Hindi po Sabado o Lingo ang kasal, ang araw po ng kasal ay Biyernes, 4th of December 2015
Ika-apat ng hapon hangang ika-sampo ng gabi (4pm to 10pm) sa Villa Salud 1, Taguig City.

Ipinagpapauna na po namen ang traffic sa lugar. Sana po ay makarating kayo sa oras.

Question:
"Anong pwede namen isuot?"

Answer:
"Presentableng damit lang; maaring bistida sa babae, hinihiling lang po na sanang wag lang masyadong maiksi.


Sa lalake polo at pantalong slacks. Kung nais mag barong, pwede kung nais Amerikana pwede ren. Hinihiling lang po na wag mag maong (denims) at tsinelas/alfombra. Mainam kung may shades of purple pero di na kaylangan sadyain pa ang pagbili."
 Question:
"Pwede bang magsama ng bata?"

Answer:
"Hinihiling po na huwag magsama ng bata 15 y.o pababa"



Kita kita po tayo dun!


- Lea

No comments:

Post a Comment